
Binuksan kahapon Martes, Disyembre 18, 2018, ng Xiamen Airlines ng Tsina, ang direct flight sa pagitan ng Quanzhou sa timog silangan ng Tsina, at Davao City.

Dalawang lipad ang rutang ito na tuwing Martes at Biyernes, at 3 oras't 15 minuto ang tagal ng paglipad.

Sa kanyang mensaheng pambati sa pagbubukas ng rutang ito, sinabi ni Davao Mayor Sarah Duterte, na magbibigay ito ng ginhawa sa pagbiyahe ng mga mamamayang Tsino sa Davao. Ito rin aniya ay makakabuti sa paglahok ng Davao sa pandaigdig na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at pagpapalakas ng pagpapalagayan ng Pilipinas at Tsina sa kabuhayan at kultura.
Salin: Liu Kai