Sa okasyon ng pagdiriwang ng Tsina sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas, magkakasunod na inanalisa ng komunidad ng daigdig na kung paanong nilikha ng Tsina ang "himala." Ang inobasyon sa sistema, pagpapabuti ng sarili, katalinuhan, at iba pa, ay ang mga konklusyong ginawa ng nakakaraming tagapag-analisa at media. Ngunit binalewala nila ang isang mahalagang puntong mayroon ang Tsina sa pagtutuloy at malakas na kakayahan ng pagtutupad ng blueprint sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan. Naigagarantiya nito ang matatag na pagsulong ng Tsina sa nakatakdang hangarin sa landas ng reporma at pagbubukas sa labas.
Ang reporma sa kanayunan at kalunsuran ay dalawang mahalagang bahaging naranasan ng Tsina nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas. Sa prosesong ito, sa pamamagitan ng magkakasunod na "Panlimahang-Taong Plano ng Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan," naigagarantiya ng pamahalaang Tsino ang katatagan ng reporma at kaunlaran sa buong bansa.
Para sa anumang bansa, ang reporma ay palaginang nagiging mahirap at sustenableng tungkulin. Ang patuloy na pagsasagawa ng reporma ng Tsina sa loob ng 40 taon, ay hindi lamang bentahe ng pambansang sistema ng Tsina, kundi maging kapalaran ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Li Feng