Nagpalabas ng komentaryo ngayong araw, Linggo, ika-23 ng Disyembre 2018, ang pahayagang People's Daily ng Tsina, hinggil sa pagpapatupad ng diwa ng katatapos na Central Economic Working Conference.
Anang komentaryo, ang katatagan ang pangunahing katangian ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina sa 2018. Sa ilalim ng kalagayang ito, mainam ang makro-ekomoniya, malalim na sumulong ang supply-side structural reform, at tumaas ang lebel ng reporma at pagbubukas sa labas.
Ayon pa rin sa komentaryo, tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa naturang pulong, sa taong 2019, dapat panatilihin ang mainam na tunguhin ng katatagan at kaunlaran ng kabuhayang Tsino, bigyan ng mas maraming aktuwal na benepisyo ang mga mamamayan, at ibayo pang pasulungin ang pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa mataas na antas.
Salin: Liu Kai