Nagpalabas ng komentaryo ngayong araw, Lunes, ika-24 ng Disyembre 2018, ang pahayagang People's Daily ng Tsina, kung saan nakasaad, na ang malinaw na pag-unawa sa pangkalahatang kalagayan ng kabuhayang Tsino ay mahalaga para sa pagpapasulong ng kabuhayan sa susunod na yugto.
Anang komentaryo, ayon sa katatapos na Central Economic Working Conference, sa kasalukuyan, ang kabuhayang Tsino ay dumako sa yugto ng de-kalidad na pag-unlad mula sa mabilis na pag-unlad; umiiral sa takbo ng kabuhayan ang mga isyung gaya ng di-balanseng pag-unlad, mga structural problem, at iba pa; at naganap din ang malaking pagbabago sa kapaligirang panlabas.
Sinabi rin ng komentaryo, na batay sa nabanggit na kalagayan, dapat linawin ang mga pagkakataon at hamon sa takbo ng kabuhayan, patatagin ang kompiyansa, at isagawa ang mga katugong hakbangin, para matamo ang bagong bunga sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa hinaharap.
Salin: Liu Kai