Ipinatalastas Disyembre 28, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakatakdang dumalaw si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Ethiopia, Lupon ng Unyong Aprikano, Burkina Faso, Gambia, at Senegal.
Anang tagapagsalita, nitong 20 taong nakalipas, bawat unang pagdalaw ng Ministrong Panlabas ng Tsina ay patungong Aprika. Ipinahayag pa niyang ang layunin ng pagdalaw na ito ay para palalimin ang pagpapalitan at isakatuparan ang mga bunga ng 2018 Beijing Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
salin:Lele