|
||||||||
|
||
Dakar, Senegal—Bago matapos ang kanyang pagdalaw sa apat na bansang Aprikano na kinabibilangan ng Ethiopia, Burkina Faso, Gambia at Senegal, isinalaysay Linggo, Enero 6, local time, 2019 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang mga impormasyon at damdamin niya sa nasabing biyahe.
Ani Wang, ang Aprika ay nananatiling destinasyon ng unang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Tsina taon-taon, at nagsilbi itong isa sa mga katangian ng diplomasya ng Tsina. Ito aniya ay dahil sa pangako ng Tsina sa Aprika. Higit sa lahat, bilang mga umuunlad na bansa, sa mula't mula pa ay ang Tsina at Aprika ay magkapatid at magkatuwang na tumutulong sa isa't isa, dagdag ni Wang. Kailangan aniyang palakasin ng kapuwa panig ang estratehikong pag-uugnayan, at palalimin ang estratehikong kooperasyon sa anumang sandali.
Dagdag pa ni Wang, sa kasalukuyang biyahe sa apat na bansa ng Aprika, malalim ang kanyang damdamin sa sumusunod na apat na aspekto:
Una, di-masisira ang pagkakaibigan ng Tsina at Aprika. Sa harap ng tikis na pagdungis ng ilang bansa sa labas ng rehiyon, sa kooperasyong Sino-Aprikano, mas matatag na iginigiit ng mga pamahalaan at mamamayan ng iba't ibang bansa ng Aprika ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina. Ani Wang, sa panahon ng kanyang biyahe, pawang lubos na hinahangaan ng mga lider ng nabanggit na apat na bansa ang kooperasyon ng Tsina sa Aprika, at pinasalamatan ang ibinigay na suporta ng Tsina para sa pag-unlad at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng kani-kanilang bansa. Buong pananabik na inaasahan nila ang ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyon sa Tsina, dagdag ni Wang.
Ika-2, naging komong panawagan ang paggigiit sa multilateralismo. Isinalaysay ni Wang na nakahanda ang nasabing apat na bansang Aprikano na palakasin ang pakikipagkoordina sa panig Tsino, para magkasamang pangalagaan ang mga regulasyon ng multilateralismo, at pasulungin ang demokrasya ng relasyong pandaigdig.
Ika-3, pataas nang pataas ang kasiglahan sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road. Ani Wang, kasabay ng ibayo pang sinerhiya ng Belt and Road Initiative, Agenda 2063 ng African Union (AU), at estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansa, may pag-asang maisagawa ang mas de-kalidad na kooperasyong may kinalaman sa Belt and Road, sa mas mataas na antas sa kontinente ng Aprika.
At ika-4, pinatibay at pinalakas ang simulaing Isang Tsina sa Aprika. Kabilang sa nasabing apat na bansa, napanumbalik na ang relasyong diplomatiko ng Burkina Faso at Gambia sa Tsina. Kapuwa binigyang-diin ng mga lider ng dalawang bansa na ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay nagsasarili nilang pagpili. Kinakatigan ito ng mga mamamayan, at umaangkop sa interes ng dalawang bansa, ayon pa sa dalawang bansa. Buong tatag anilang patuloy na igigiit ang patakarang Isang Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |