Nag-usap sa Dakar Enero 6, 2019 sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Sidiki Kaba, Ministrong Panlabas ng Senegal.
Ipinahayag ni Wang na ang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Senegal noong 2018 ay nagpahigpit ng pagtitiwalaan at nagpalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Aniya, sa pamumuno ng mga kataas-taasang lider ng Tsina at Senegal, walang tigil na lumalalim ang pagtutulungan ng dalawang bansa. Sinabi ni Wang na, ang Senegal ang kauna-unahang bansa sa gawing kanluran ng Aprika, na lumagda ng dokumentong pangkooperasyon hinggil sa "Belt and Road." Aniya, kasalukuyang magkasamang isinasabalikat ng Tsina at Senegal ang tungkulin bilang tagapangulo ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika. Ang mga ito aniya'y nagbibigay ng bagong larangan at bagong nilalaman sa pagtutulungan ng dalawang bansa. Ani Wang, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Senegal para ibayong pasulungin ang nasabing porum, pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Aprika, at isakatuparan ang mga resulta ng Beijing Summit ng naturang porum, sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Kaba na matalik na magkatuwang ang Tsina at Senegal. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para isabalikat ang responsibilidad bilang tagapangulo ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, pasulungin ang konstruksyon ng mekanismo ng porum, isakatuparan ang resulta ng Beijing Summit ng porum, at magkasamang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Aprika.