|
||||||||
|
||
Kinatagpo Enero 6, 2019 sa Dakar ni Pangulong Macky Sall ng Senegal si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Pangulong Sall ang pagbati sa matagumpay na paglapag kamakailan ng malayong bahagi ng buwan ng lunar probe ng Tsina. Ito aniya'y nagpapakitang nasa maunlad na puwesto ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng Tsina sa daigdig. Umaasa aniya siyang mapapahigpit pa ang pakikipagtulungan ng kanyang bansa sa Tsina sa larangang ito.
Ipinahayag naman ni Wang na ang tagumpay na natamo ng Tsina ay bahagi ng natamong tagumpay ng mga umuunlad na bansa. Aniya, bilang isa sa mga umuunlad na bansa, nakahandang palakasin ng Tsina ang pagkikipagtulungan sa mga bansang Aprikano sa larangan ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Ipinahayag ni Sall na dumalaw sa Senegal si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, noong 2018. Aniya, sa ilalim ng suportang ibinibigay ni Pangulong Xi, nananatiling masigla at mabisa ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Senegal. Ipinahayag ni Sall na idinaos noong 2018 ang Beijing Summit hinggil sa Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika. Ito aniya'y nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa pagpapasulong ng pagtutulungang Sino-Aprikano. Aniya, matalik na magkakaibigan ang Tsina at mga bansang Arpikano, at mabibigo ang anumang tangkang papangitin ang kooperasyong ito. Sinabi niyang bilang matalik na kaibigan, palaging sinusuportahan ng Tsina ang mga bansang Aprikano sa kasarinlan, soberanya, at pambansang pag-unlad. Gumaganap aniya ang Tsina ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng multilateralismo ng daigdig, at pangangalaga sa karapatan at interes ng mga umunlad na bansa. Pinasasalamatan aniya ng mga bansang Aprikano ang suportang ibinibigay ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Wang na ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay nagsisilbing huwaran sa Kooperasyong Timog sa Timog. Aniya, bilang miyembro ng mga umuunlad na bansa, nakahanda ang Tsina na patuloy na magbigay ng tulong sa mga bansang Aprikano, alinsunod sa kanilang
pangangailangan, para maisakatuparan ang kani-kanilang pambansang pag-unlad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |