Idinaos sa Beijing Enero 10, 2019, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na nitong 40 taong nakalipas, walang humpay na lumalawak at lumalalim ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa iba't ibang larangan.
Aniya, 40 taon na ang nakaraan, ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika ay itinatag para sa pagpapalawak ng komong interes ng mga mamamayan, at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig. At sa kasalukuyan, aniya, may ibayo pang pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa mula sa bagong simula, at dapat laging igiit ang pangunahing tunguhin ng koordinasyon, kooperasyon, at katatagan para magbigay ng benepisyo sa dalawang bansa at buong daigdig.
Salin:Lele