|
||||||||
|
||
Nitong Huwebes, Enero 24, 2019, idinaos ng pirmihang delegasyong Tsino sa United Nations (UN) ang resepsyong pambagong-taon sa 2019. Dumalo rito ang mahigit 300 personaheng kinabibilangan nina Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN; Wu Haitao, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN; Liu Zhenmin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, at iba pa.
Si Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN
Ipinaabot ni Ma ang bating pambagong-taon sa mga panauhin. Ipinahayag din niya na noong isang taon, ipinagdiwang ng Tsina ang ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas. Aniya, nitong 40 taong nakalipas, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), naganap ang napakalaking pagbabago sa Tsina at naisakatuparan ang dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino, aniya. Sinabi niyang ang Tsina ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at nananatiling 30% ang contribution rate nito sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Si Liu Zhenmin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN
Sa ngalan ng mga kalahok, pinasalamatan ni Liu ang pagdaraos ng nasabing resepsyon ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN. Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN sa mga gawain ng Sekretaryat ng UN, at ang buong tatag na pagkatig ng pamahalaang Tsino sa UN.
Lubos namang pinapurihan ng mga kalahok ang natamong tagumpay ng pag-unlad ng Tsina. Ipinahayag nila ang kahandaang patingkarin ang mas positibong papel para sa kooperasyon ng Tsina at UN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |