|
||||||||
|
||
Ang inobasyon ay isang mahalagang keyword kung babanggitin ang pag-unlad ng Tsina. Maraming beses ding binigyang-halaga ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang inobasyon sa iba't ibang okasyon.
Noong Oktubre 2018, naglakbay-suri si Pangulong Xi sa Gree Electric Appliances Inc. sa Zhuhai, lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina. Naitatag ang kompanyang ito noong 1991, at sa simula, ang pangunahing negosyo nito ay paggawa ng residential air conditioner. Sa kasalukuyan, ang kompanya ay naging pangunahing appliance manufacturer sa Tsina, at ang production lineup ay kinabibilangan ng home appliances, high-end equipment, communication apparatus, at iba pa. Ang mga produkto nito ay ibinebenta sa Tsina at sa mahigit 160 bansa at rehiyon ng daigdig. Ang paggigiit sa sarilinang inobasyon ay susi ng pag-unlad ng Gree Electric.
Sa panahon ng paglalakbay-suri, binigyang-diin ni Pangulong Xi ang kahalagahan ng inobasyon para sa pag-unlad ng manupaktura. Sinabi niyang,
"Mahalaga ang real economy para sa pag-unlad ng Tsina, at ang manupaktura naman ay mahalagang bahagi ng real economy. Ang malalim na kaalaman sa mga maunlad na teknolohiya ay sentro ng manupaktura, at dapat kunin ang mga teknolohiyang ito sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at inobasyon. Umaasa akong magpupunyagi ang lahat ng mga bahay-kalakal tungo sa target na ito."
Ang Inspur Group Co., Ltd. na matatagpuan sa Jinan, lalawigang Shandong, ay malaking information technology company ng Tsina. Nagkakaloob ito ng serbisyo ng cloud computing at big data sa mahigit 100 bansa at rehiyon ng daigdig, at gumagawa rin ng server hardware.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa Inspur Group noong Hunyo 2018, ipinahayag ni Pangulong Xi, na dapat pakilusin ang buong lipunan para sa pagpapasulong ng inobasyon. Aniya,
"Sa kasalukuyang landas ng pagsasakatuparan ng Chinese Dream para sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, kinakaharap natin ang mga hamon at kahirapan. Bilang tugon, dapat magkaroon tayo ng malakas na responsibilidad, magkaisa ng palagay, at gumawa ng pinakamalaking pagsisikap. Dapat patingkarin ang sistematikong bentahe natin, at tipunin ang lakas ng buong lipunan, para kunin ang mga maunlad at nukleong teknolohiya."
Ang Efy Technology Co. Ltd. ay bagong kompanya ng paggawa ng unmanned aerial vehicle sa Binhai-Zhongguancun Science and Technology Park sa Tianjin sa hilaga ng Tsina. Noong Enero 2019, dinalaw ni Pangulong Xi ang kompanyang ito, at inilahad niya ang patakaran ng bansa ng paglikha ng magandang kapaligiran para sa inobasyon. Aniya,
"Ang inobasyon ay susi sa de-kalidad na pag-unlad at ibayo pang pagsulong ng Tsina. Isasagawa natin ang marami pang hakbangin bilang pagsuporta sa mga taong may pangarap sa inobasyon, para palakasin ang kanilang kompiyansa at panatilihin ang kanilang kagustuhan sa usapin ng inobasyon."
Nitong mga taong nakalipas, masiglang sumusulong ang inobasyon sa iba't ibang industriya at sektor ng Tsina. Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang kanyang ideya sa tuluy-tuloy na pagpapasulong ng inobasyon. Sinabi niyang,
"Sa mula't mula pa'y hindi madaling usapin ang inobasyon. Pero kung itatakda ang isang target, dapat buong sikap nating isakatuparan ito sa kabila ng kahirapan at kabiguan. Dapat pagtagumpayan natin ang mga kahirapan, at hanapin ang pinakamabuting resulta, para matamo ang tagumpay sa usapin ng inobasyon."
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |