Ayon sa pahayag na inilabas kamakailan ng panig Timog Koreano at Amerikano, ipinasiya nilang itigil ang taunang magkasanib na pagsasanay-militar ng dalawang bansa sa tagsibol. Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Marso 5, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinahangaan at kinakatigan ng panig Tsino ang lahat ng mga hakbangin na makakabuti sa pagpapahupa ng kalagayan, at pagpapalakas ng pagtitiwalaan.
Dagdag ni Lu, nasa masusing yugto ngayon ang proseso ng pulitikal na pagresolba sa isyu ng Korean Peninsula. Umaasa aniya siyang patuloy na ipapadala ng iba't ibang kaukulang panig ang mahinahong signal, at gagawin ang positibong pagsisikap para sa pagpapasulong sa proseso ng diyalogo.
Salin: Vera