Sa pulong ng Board of Governors ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na ginanap Lunes, Marso 4, 2019, sinabi ni Yukiya Amano, Direktor-Heneral ng IAEA, na patuloy na magmomonitor ang kanyang ahensya sa mga aktibidad na nuklear ng Hilagang Korea, gamit ang mga impormasyong may hayagang pinanggagalingan at satellite image. Maghahanda rin aniya ang IAEA para isagawa ang pagsusuri at pagsusuperbisa sa Hilagang Korea, pagkaraang marating ng mga kaukulang bansa ang kasunduang pulitikal.
Muling nanawagan siya sa Hilagang Korea na tupdin ang mga obligasyong itinakda ng mga kaukulang resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) at IAEA, at agarang makipagtulungan sa IAEA, para resolbahin ang lahat ng mga di-nalulutas na problema.
Salin: Vera