Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Joyce Msuya, Executive Director ng United Nations Environment Programme (UNEP) na natamo na ng Tsina ang malaking progreso sa kapaligirang ekolohikal, at ayon sa Government Work Report na iniharap ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, ibayo pang pabubutihin ang kapaligirang ekolohikal ng bansa.
Aniya, idinaraos ang Ika-2 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at itinatatag ang mga plano sa hinaharap, masaya siyang nakikitang pinasusulong ng Tsina ang pagsasaayos ng polusyon at pagpapasulong ng renewable na enerhiya.
Salin:Lele