Sa Government Work Report na ginawa sa kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ang pagpapalakas ng bitalidad ng pamilihan at pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo ay itinakda bilang isa sa 10 pinakamalaking tungkulin ng pamahalaang Tsino sa taong ito.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng masalimuot at pabagu-bagong pandaigdig na relasyong pangkalakalan at pagdako ng Tsina sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, ang tuluy-tuloy na pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo ay hindi lamang makakabuti sa pagpapalakas ng bitalidad at kakayahang kompetetibo ng kabuhayang Tsino, kundi paborable rin sa mga mamumuhunan ng buong daigdig.
Nitong ilang taong nakalipas, tuluy-tuloy na pinabubuti ng Tsina ang kapaligirang pang-negosyo sa 4 na pangunahing aspekto, na gaya ng kapaligiran ng pamilihang may pantay-pantay na kompetisyon, epektibo't malinis na kapaligirang administratibo, makatarunga't maliwanag na kapaligiran ng batas at patakaran, at bukas at inklusibong kapaligiran ng lipunan. Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbangin, kapansin-pansing napapabuti ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina, at ang mga natamong bunga ay kinikilala ng komunidad ng daigdig, na gaya ng World Bank.
Kung mas mabuti ang kapaligirang pang-negosyo ng isang bansa, makakaakit ito ng mas maraming yamang-tao, materyal, at pondo. Noong isang taon, sa background na bumaba ang pangkalahatang halaga ng direktang puhunang dayuhan sa buong mundo, lumaki ng 3% ang halaga ng nahikayat na direktang puhunang dayuhan ng Tsina. Kung aanalisahin ang dahilan kung bakit magaling ang Tsina sa pag-aakit ng puhunang dayuhan, ang napakalaking pamilihang Tsino ay isang pangunahing dahilan, at mahalaga rin ang tuluy-tuloy na pagbuti ng kapaligirang pang-negosyo ng bansa.
Bilang isang umuunlad na bansa, umiiral pa rin ang agwat sa pagitan ng kapaligirang pang-negosyo ng Tsina at primera klaseng kapaligirang pang-negosyo ng daigdig. Dahil dito, patuloy na isasagawa ng Tsina ang mga hakbangin para ibayo pang pabutihin ang kapaligirang pang-negosyo, palakasin ang bitalidad at kakayahang mapanlikhain ng pamilihan, at pasulungin ang pakisangkot ng bansa sa kabuhuyang pandaigdig. Sa pamamagitan ng mga ito, lipos tayo ng pananalig, na ang Tsina ay mananatiling bansang atraktibo sa negosyo at pamumuhunan ng daigdig.
Salin: Liu Kai