Ginagawa taun-taon ng Gallup, analytics and advisory company na nakabase sa Washington, D.C., Amerika, ang survey hinggil sa lakas na pamumuno ng ilang malaking bansa sa daigdig. Inilabas kamakailan ng kompanyang ito ang resulta ng panibagong survey na ginawa noong 2018 sa 134 na bansa at rehiyon. Ayon sa resulta, 34% ang approval rate sa lakas na pamumuno ng Tsina sa daigdig, at 31% naman ang approval rate sa lakas na ito ng Amerika. Samantala, ang approval rate sa Tsina ay lumampas sa Amerika batay sa survey na ginawa sa Europa, Asya, at Aprika. Kabilang dito, pinakamataas ang approval rate sa Tsina sa Aprika, at umabot ito sa 53%.
Ito ang ikalawang taon na lumampas ang Tsina sa Amerika sa survey ng lakas na pamumuno sa daigdig na ginawa ng Gallup. Matatandaang noong 2008, dahil sa epektong dulot ng subprime mortgage crisis ng Amerika, naganap sa buong mundo ang grabeng krisis na pinansyal. Samantala, sa tulong ng bungang pangkabuhayang natamo sa pamamagitan ng 30-taong reporma't pagbubukas sa labas at walang humpay na pagpupunyagi, nagbigay ang Tsina ng malakas na sigla sa pagpapaahon ng kabuhayang pandaigdig. Noong taong iyon, unang beses na lumampas ang Tsina sa Amerika sa nabanggit na survey.
Paglipas ng 10 taon, iniharap ng Tsina ang ideyang "inobasyon, koordinasyon, green growth, pagbubukas, at pagbabahagi" para sa sariling pag-unlad. Iniharap din nito ang Belt and Road Initiative bilang pinakamalaking pandaigdig na platapormang pangkooperasyon, mungkahi hinggil sa pagtatatag ng bagong tipo ng relasyong pandaigdig batay sa kooperasyon at win-win situation, at pagbuo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan bilang ideya para sa pandaigdig na pangangasiwa. Sa pamamagitan ng mga ito, hindi lamang isinasakatuparan ng Tsina ang sariling pag-unlad, kundi nagbibigay din ito ng ambag sa inklusibong pag-unlad ng buong daigdig. Sa kasalukuyan, muling kinikilala sa komunidad ng daigdig ang lakas na pamumuno ng Tsina, at ito ay naging resulta ng nabanggit na panibagong survey.
Bilang panapos, gusto naming sipiin ang sinabi ni Jon Clifton, Managing Partner ng Gallup hinggil sa lakas na pamumuno ng isang bansa sa daigdig. Sinabi niyang "If hard power is a country's economic and military strength, then soft power is a country's intangible power--the power that makes people want to go along with you because they want to, not because they have to."
Salin: Liu Kai