Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sergio Mattarella ng Italya, sa mga kinatawang kalahok sa mga pulong ng China-Italy Entrepreneur Committee, China-Italy Third Party Market Cooperation Forum at China-Italy Cultural Cooperation Mechanism.
Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang papel ng naturang tatlong pulong para sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Italya. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang mga tauhan mula sa mga sirkulo ng negosyo at kultura, para pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at Italya at magdulot ng aktuwal na interes sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Mattarella ang pagkatig ng pamahalaan ng Italya sa pagpapalalim ng mga bahay-kalakal na Italyano at Tsino ng kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan, at pagsasagawa ng sirkulo ng kultura ng dalawang bansa ng komprehensibong pagpapalitan.
Salin: Liu Kai