Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Roberto Fico ng Chamber of Deputies ng Italya.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Italya, na palalimin ang estratehikong komong palagay, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at pataasin ang lebel ng komprehensibo at estratehikong partnership. Umaasa aniya siyang palalakasin ng mga lehislatura ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan.
Sinabi naman ni Fico, na ang Tsina ay mahalagang katuwang ng Italya. Ipinahayag din niya ang pananalig, na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Xi, ibayo pang susulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai