Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Elisabetta Casellati ng Senado ng Italya.
Tinukoy ni Xi, na ang kanyang pagdalaw na ito ay naglalayong pasulungin ang pagiging pangmatagalan, matatag, at estratehiko ng relasyon ng Tsina at Italya, at pataasin ang lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang positibong pagtasa sa mabuting takbo ng regular na mekanismo ng pagpapalitan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Senado ng Italya.
Ipinahayag naman ni Casellati ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, palalakasin ng Italya at Tsina ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Nakahanda rin aniya ang Senado na patuloy na magbigay-ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Italya at Tsina.
Salin: Liu Kai