Sa ginagawang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Italya, ang paglahok ng Italya sa Belt and Road Initiative ay isang paksang lubos na pinag-uukulan ng pansin ng iba't ibang panig.
Sapul nang maganap noong 2008 ang pandaigdig na krisis na pinansyal, hindi mabuti ang takbo ng kabuhayan ng Italya, at dalawang beses na naganap ang economic recession noong 2008 hanggang 2009 at 2012 hanggang 2014. Dahil naman sa tuluy-tuloy na pagbaba ng GDP na sinimulan noong ikalawang hati ng nagdaang taon, posibleng maganap sa Italya ang ikatlong economic recession sa taong ito.
Bilang tugon sa pagbulusok ng kabuhayan, isinagawa minsan ng pamahalaan ng Italya ang maraming hakbangin para pasiglahin ang kabuhayan. Pero, walang bisa ang mga hakbangin sa loob ng bansa, at hindi rin kinuha ang tulong mula sa Unyong Europeo. Kaya, ang paghahanap ng katuwang sa labas ng EU at pagpapalakas ng pakikipagtulungan dito ay naging kailangang-kailangang pagpili ng Italya.
Buong linaw na napagtatanto ng Italya ang mga bentaheng dulot ng paglahok sa Belt and Road Initiative, dahil nitong ilang taong nakalipas, laging ginagawa ng pamahalaan ng bansa ang pag-aaral hinggil dito. Ayon kay Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya, pagkaraang lumahok sa Belt and Road Initiative, daragdagan ng kanyang bansa ang pagluluwas sa Tsina, hihikayatin ang mas maraming turistang Tsino, makikinabang din ang mga puwerto ng bansa sa negosyo ng lohistikang dulot ng inisyatibang ito. Dagdag niya, ang mga pakinabang sa kabuhayan at kalakalan na dulot ng Belt and Road Initiative ay lubos na angkop sa interes ng Italya.
Sa kanya namang artikulong inilabas sa pahayagan ng Italya, sinipi ni Pangulong Xi ang pananalita ng isang bantog na manunulat na Italyano na si Alberto Moravia, na nagsasabing "Friendships are not chosen by chance, but according to the passions that dominate us." Ipinahayag ng panig Tsino ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng Italya sa Belt and Road Initiative. Nakahanda rin ito, kasama ng Italya, na palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng inisyatibang ito, para isakatuparan ang pag-unlad ng kabuhayan at komong kasaganaan.
Salin: Liu Kai