Sa saksi nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya, nilagdaan ngayong araw, Sabado, ika-23 ng Marso 2019, sa Roma, ng dalawang bansa ang memorandum of understanding hinggil sa magkasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng Belt and Road.
Ayon sa magkasanib na komunikeng inilabas ng Tsina at Italya, kinikilala ng dalawang panig ang malaking potensyal ng Belt and Road Initiative (BRI) sa pagpapasulong ng konektibidad. Ipinahayag ng dalawang panig ang kahandaang palakasin ang pag-uugnayan ng BRI at Trans-European Transport Networks, at palalimin ang kooperasyon sa mga aspekto ng puwerto, lohistika, transportasyong pandagat, at iba pa.
Salin: Liu Kai