Winika ni Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea na sa kanyang pagdalaw sa Amerika sa susunod na linggo, makikipagtalakayan siya kay Donald Trump, Pangulo ng Amerika hinggil sa muling pagsisimula ng diyalogo ng Amerika at Hilagang Korea.
Sinabi ni Moon na hindi narating ang anumang kasunduan sa naganap na ikalawang ika-2 na pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea. Kahit mayroong kahirapan sa kasalukuyan, aniya, tinitiyak na ayaw ng Timog Korea, Hilagang Korea at Amerika na bumalik ang dating tensyon.
Dadalaw si Moon sa Amerika sa ika-10 hanggang ika-11 ng Abril.
salin:Lele