Bilang tugon sa pagsasalita ng isang opisyal Amerikano hinggil sa isyu ng Taiwan, hinimok Abril 2, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Amerika na dapat tumalima sa prinsipyong "Isang Tsina" at may kinalamang probisyon sa tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at gumawa ng mga bagay-bagay na makakabuti sa relasyon ng dalawang bansa at pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni John Bolton, National Security Adviser ng Amerika sa Twitter na susundin ng kanyang bansa ang pangako batay sa Taiwan Relations Act.
Salin:Lele