Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagtatatag ng pandaigdigang partnership ng interkonektibidad ay pinakamahalagang bahagi ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ipinahayag niyang patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, para itatag ang network ng konektibidad na may mga elementong gaya ng economic corridor, mga daang pangkomunikasyon sa lupa, dagat, at cyberspace, at mga imprastruktura. Ani Xi, patuloy na magkakaloob ng pinansyal na pagkatig ang Tsina sa mga proyekto. Ipinahayag ni Xi, na mainit ding tinatanggap ng Tsina ang pamumuhunan ng mga organong pinansyal na multilateral ng iba't ibang bansa sa mga proyekto ng BRI, at pagsasagawa ng iba't ibang panig ng kooperasyon sa pamilihan ng ikatlong panig.
Salin: Liu Kai