Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative (BRI), malulutas ang di-pagkabalanse sa pag-unlad, isa sa mga pinakapangunahing isyu sa kasalukuyang daigdig.
Ipinalalagay ni Xi, na habang ipinaplano ang mga proyekto ng BRI, dapat isaalang-alang ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa. Dapat aniyang lumikha ng mas maraming pagkakataon at mas malaking espasyo para sa pag-usbon ng mga umuunlad na bansa, para tulungan silang makahulagpos sa kahirapan at maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad. Nanawagan din siya sa iba't ibang panig na palakasin ang pakikipagtulungan sa United Nations sa aspekto ng pagpapaunlad, para paliitin ang agwat sa kaunlaran.
Salin: Liu Kai