Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na walang humpay na pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas ng pamilihan, sa pamamagitan ng mga hakbanging gaya ng ibayo pang pagpapababa ng taripa, pag-aalis ng iba't ibang mga non-tariff barrier, at iba pa.
Binigyang-diin ni Xi, na hindi naghahangad ang Tsina ng trade surplus, at itinataguyod ng bansa ang balanseng kalakalan. Aangkatin aniya ng Tsina ang mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural, finished product at serbisyo mula sa ibang bansa.
Salin: Liu Kai