Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na patuloy na paiikliin ng Tsina ang Negative List para sa pamumuhunang dayuhan, pag-iibayuhin ang pagbubukas sa labas sa mga sektor ng modernong serbisyo, manupaktura, at agrikultura, at pahihintulutan ang mas maraming negosyong kinokontrol o ganap na ari ng puhunang dayuhan.
Ipinahayag din ni Xi, na itatatag ng Tsina ang mga bagong pilot free trade zone, pag-aaralan ang pagtatatag ng free trade port, at buong higpit na paiiralin ang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan.
Salin: Liu Kai