|
||||||||
|
||
Nag-usap Biyernes, Abril 26, 2019 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang Russian counterpart na si Vladimir Puntin.
Ipinagdiinan ni Xi na sa kasalukuyan, masalimuot at pabagu-bago ang kalagayang pandaigdig, at kapuwa nagpupunyagi ang Tsina at Rusya para sa pag-unlad ng sariling bansa at pag-ahon ng nasyon. Dapat aniyang ituring ng bawat panig na mahalagang pagkakataong pangkaunlaran ang isa't isa, at magkasamang itatag ang community with a shared future for mankind.
Dagdag ng pangulong Tsino, ang Rusya ay mahalagang partner ng Belt and Road Initiative (BRI), at nagsisilbing modelo ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan ang sinerhiya ng BRI at Eurasian Economic Union. Sa susunod na yugto, dapat patuloy aniyang pasulungin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, teknolohiya, kalawakan, konektibidad, kultura at iba pa.
Ipinahayag naman ni Putin na ang BRI ay nakapaglatag ng mahalagang plataporma para sa pagpapalawak ng kooperasyong pandaigdig. Aniya, sasalubungin ng dalawang bansa ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong diplomatiko, at nakahanda ang panig Ruso na padalasin ang pakikipagpalitan sa panig Tsino sa mataas na antas, palalimin ang bilateral na pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at pabutihin ang malalaking proyektong gaya ng enerhiya at konektibidad.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula, isyu ng Venezuela at iba pa. Sang-ayon silang pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyo't pandaigdig, at mulitalateral na organo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |