Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang "Taiwan Assurance Act of 2019" at resolusyon hinggil sa "muling pagtiyak ng mga pangako sa Taiwan at sa pagpapatupad ng Taiwan Relations Act." Ito ay muling paggamit ng Amerika ng isyu ng Taiwan para sa pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina at paghahadlang sa mapayapang pag-unlad ng bansa. Ito rin ay isang mapanganib na aksyong pulitikal, na makakapinsala sa kooperasyong Sino-Amerikano at kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits. Ipinahayag ng Tsina ang buong tatag na pagtutol dito, at iniharap din ang solemnang representasyon sa Amerika.
Ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay may tatlong malaking kamalian. Una, nakakapinsala ito sa pundasyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Ikalawa, muling nasasamantala ng Amerika ang isyu ng Taiwan para subukin ang bottom line ng Tsina. At ikatlo, magdudulot ito ng kaligaligan sa kalagayan ng Taiwan Straits, at makakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Maraming beses na binigyang-diin minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat mapayapang makipamuhayan sa isa't isa ang mga malaking bansa, dapat alisin ang mga alitan at konprantasyon, dapat igalang ang isa't isa, at dapat isakatuparan ang kooperasyon at win-win result. Ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina, at mapanganib ang paglalaro ng Amerika ng "Taiwan card." Dapat mapagtanto ng ilang pulitikong Amerikano, na may determinasyon ang Tsina na biguin ang anumang tangkang gamitin ang isyu ng Taiwan para mahadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Salin: Liu Kai