|
||||||||
|
||
Tinatakot ng Amerika ang Tsina na patataasin ang taripa ng lahat ng paninda, at sa kabilang dako, ipinapakita nito ang kahandaan sa pagpapatuloy ng talastasan. Tinatang ka ng Amerika na magpataw ng presyur sa Tsina para magtamo ng mas maraming bentahe sa talastasan. Pero, ayon kay Liu He, Pangalawang Premyer at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika, maliwanag ang tatlong nukleong pagkabahala ang Tsina, una, dapat kanselahin ang lahat ng karagdagang taripa; ikalawa, dapat umangkop sa katotohanan ang bilang ng trade purchasing; at ikatlo, dapat pabutihin ang pagkabalanse ng dokumento. Sa nasabing mga mahalagang isyung may kaugnayan sa prinsipyo, hinding hindi yuyukod ang panig Tsino, aniya. Kaya, walang bisa ang presyon ng Amerika sa Tsina sa kahit anumang panahon.
Kung babalik-tanawin ang proseso ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, kahit may ilang mahalagang progreso, nangyayari ang mga pagbaliktad. Ani Liu, laging buong sikap na pinasusulong ng Tsina ang talastasan batay sa pinakamalaking katapatan, dahil alam ng Tsina na walang magtatagumpay sa "trade war," at ang pagpapataw ng kadagdagang taripa ay hindi lamang masama sa Tsina at Amerika, kundi sa daigdig. Naninindigan aniya ang Tsina na ang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng magkabilang panig, pero, ang kooperasyon ay may prinsipyo, at ang prinsipyo ay ang nasabing tatlong nukleong pagkabahala.
Ani Liu, kung patuloy na patataasin ng Amerika ang taripa, tiyak na tutugon ang Tsina. Kahit magkaroon ng presyur sa kabuhayan ng Tsina, ang presyur ay nasa control, aniya.
Ang konsumong panloob ng bansa ay nagbibigay ng 76.2% na ambag sa paglaki ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) at ang export dependence ay bumaba sa 17.9%. Ang pangangailangang panloob ay nagiging pangunahing suporta ng kabuhayang Tsino sa harap ng walang kaseguruhang situwasyong panlabas.
Para mabago ang kapaligiran sa labas, ang pinakamahalagang dapat isakatuparan ng Tsina ay sariling pag-unlad--walang humpay na pagpapalalim ng reporma, pagpapalawak ng pagbubukas, at pagsasakatuparan ng kaunlarang may mataas na kalidad. Kung nais isagawa ng Amerika ang anumang aksyon, handa na ang Tsina para sa pagharap ng lahat ng posibilidad.
Salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |