Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Ginang Kiron Skinner, huwag magparumi sa sibilisasyon

(GMT+08:00) 2019-05-14 15:52:57       CRI

Sinabi kamakailan ni Kiron Skinner, Director of Policy Planning ng U.S. Department of State, na ang sagupaan sa pagitan ng Amerika at Tsina ay "laban sa pagitan ng dalawang magkaibang uri ng sibilisasyon at ideolohiya." Dinulot ito ng malaking reaksyon sa loob ng Amerika at opinyong publiko sa daigdig. Ipinalalagay ng maraming makilalang personahe na ang sinabi ni Skinner ay dumungis sa katuturan ng "sibilisasyon." Ito ay hindi lamang nagpahiya sa sirkulong pulitikal at akademiko ng Amerika, kundi maging sa Kagawaran ng Estado ng Amerika.

Sinabi ni Skinner na ang kompetisyon sa pagitan ng Amerika at Tsina ay sumasagisag ng isang napakalaking "sagupaan ng sibilisasyon." Ang pananalita niya ay batay sa teorya ni Samuel Phillips Huntington, siyentistang pulitikal ng Harvard University, na pinamagatang "Clash of Civilization." Pagkatapos ng Cold War, ipinalabas noong 1993 ni Huntington ang artikulong pinamagatang "Clash of Civilization" sa magasing "Foreign Affairs" kung saan iniharap ang bantog na teoryang ito.

Dahil ang nasabing teorya ay may tensyong nagpapalaganap ng "cultural hegemony," buong tindi itong binatikos ng sirkulong akademiko sa daigdig. Sa ibang aspekto, ang teorya ni Huntington ay hindi naghihikayat ng sagupaan sa pagitan ng mga sibilisasyon. Nagtatangka siyang ipaliwanag ang katotohanan ng sagupaan sa pagitan ng mga sibilisasyon, at nagpapayo sa mga bansang kanluranin na huwag baguhin ang sibilisasyong di-kanluranin sa pamamagitan ng sibilisasyong kanluranin. Sumasang-ayon siya sa diyalogo, pag-uunawaan, at pagtutulungan sa pagitan ng mga sibilisasyon. Ngunit pinili ni Skinner ang bahagi ng teorya lamang dahil sa kanyang kawalang-kaalaman o bayas.

Sa labas ng akademiya, walang anumang kaalaman si Skinner sa pulitikang Amerikano at relasyong Sino-Amerikano. Sinabi niya na hindi pa nararanasan ng Amerika ang laban sa pagitan ng sibilisasyon at ideolohiya ng Tsina at Amerika. Tunay ba ito? Makaraan ang "9/11 Incident," inilunsad ng Amerika ang dalawang digmaan sa Gitnang Silangan, at inilabas nito ang mga ostilong patakaran laban sa Muslim. Ngunit hindi nito binanggit ang anumang "sagupaan ng sibilisasyon." Dahil alam nang lubos ng pamahalaang Amerikano na magagawa lamang ang ilang bagay pero hindi masasabi. Kung hindi, hindi puwede nitong patuloy na gampanan ang papel bilang "lighthouse na nagpapaliwanag sa sibilisasyong pandaigig."

Hindi nagiging nagtatangi at unibersal ang sibilisasyon. Ang isang daigdig na may iba't-ibang uri ng sibilisasyon ay isa talagang magandang daigdig. Walang sagupaan sa pagitan ng mga sibilisasyon. Kung nais likhain ang sagupaan sa katuwirang sibilisasyon, tiyak na tututulan ito ng mga tao na nananalig sa sibilisasyon at nagmamahal sa kapayapaan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>