Miyerkules, Mayo 15, 2019, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't-ibang bansa, nasyonalidad, at kultura na palakasin ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa't-isa upang mapatatag ang pundasyong kultural sa magkakasamang pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran sa Asya at buong sangkatauhan.
Tungkol dito, iniharap ni Xi ang apat na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat igiit ang paggagalangan sa isa't-isa at pantay na pakikipamuhayan; ikalawa, dapat munang tuklasan at i-enjoy ang kagandahang taglay ng iba, tapos'y papurihan at i-enjoy ang kagandahan ng isa't-isa; ikatlo, dapat igiit ang pagbubukas at pag-aaral sa isa't-isa; ika-apat, dapat igiit ang mapanlikhang pag-unlad.
Salin: Li Feng