|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni US President Donald Trump sa kanyang Twitter account na sa pagtatapos ng 95% ng pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ini-urong ng panig Tsino ang bahagi ng pangako nito. Bunsod nito, inihayag ng ilang komento na umurong ang posisyon ng panig Tsino sa nasabing pagsasanggunian na nagdulot ng kasalukuyang pagkabigo ng trade talks.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Mayo 14, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang tinutupad ng panig Tsino ang pangako nito. Aniya, sa trade talks ng Tsina at Amerika, ipinakita ng panig Tsino ang pinakamalaking katapatan.
Ani Geng, ang pagkakasundo ay nangangailangan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig. Umaasa aniya ang Tsina na magkasama at magkatugmang magsisikap ang dalawang bansa para magkaroon ng isang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |