Bilang tugon sa pagbabanta ng panig Amerikano na papatawan ng karagdagang taripa ang mga ini-aangkat na produkto mula sa Tsina, ipinahayag nitong Martes, Mayo 14, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdaragdag ng taripa ay hindi kalutasan sa anumang problema, at ang paglulunsad ng digmaang pangkalakalan ay nakakapinsala sa sarili at iba pang bansa. Aniya, hindi umaasa at walang intensyon ang Tsina sa paglahok sa trade war, ngunit hinding hindi rin ito natatakot dito.
Dagdag pa niya, hindi yuyukod ang Tsina sa anumang panlabas na presyur, at may determinasyon at kakayahan ang Tsina sa pagtatanggol ng sariling lehitimong karapatan at kapakanan.
Salin: Li Feng