Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Umano'y pagnanakaw, nalilinlang ang sarili at ibang tao

(GMT+08:00) 2019-05-15 22:24:42       CRI

May pananalita kamakailan ang ilang pulitikong Amerikano na nagsasabing ang Amerika ay parang piggy bank, at nagnanakaw rito ng pera ang lahat ng mga bansang kinabibilangan ng Tsina. Hindi lamang kulang sa pundamental na kamalayang ekonomiko ang ganitong pananalita, kundi nalilinlang nito ang sarili at ibang tao.

Ipinakikita ng kalakaran ng pamilihan na ang transaksyon sa pagitan ng mamimili at nagbebenta ay nababatay sa mutuwal na kapakinabangan at win-win result, pati rin ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Nitong nakalipas na maraming taon, sa pamamagitan ng pagkokomplemento ng mga bentahe ng isa't isa, hindi lamang nakapagpasulong ang panig Tsino't Amerikano ng pag-unlad ng sariling kabuhayan at pag-a-upgrade ng estruktura ng industriya, kundi nakakuha rin ng napakalaking benepisyong pangkabuhayan. Pero nagbubulag-bulagan ang Amerika sa katotohanan, at walang batayang bumatikos sa Tsina na nagnakaw ng teknolohiya, hanap-buhay at pondo ng Amerika.

Hindi totoo ang kasinungalingan, kahit inuulit ito nang libu-libong beses.

Ipinakikita ng datos na napakalaki ng tubong kinuha ng Amerika mula sa pamilihang Tsino. Halimbawa, noong 2017, 7.13 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bayad ng Tsina sa Amerika para sa paggamit ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), at ito ay katumbas ng 25% ng kabuuang bayad ng Tsina sa mga bansang dayuhan sa aspektong ito. Sa kasalukuyan, umabot sa 700 bilyong dolyares ang kita sa taunang benta ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Amerikano sa Tsina, at lampas sa 50 bilyong dolyares ang tubo nila. Mula noong 2008 hanggang 2017, lumaki ng 86% ang pagluluwas ng paninda ng Amerika sa Tsina, pero 21% lang ang paglago ng pagluluwas nito sa ibang pamilihan sa daigdig sa gayung ding panahon. Malaki rin ang trade surplus ng Amerika sa larangan ng kalakalang panserbisyo sa Tsina na gaya ng turismo, transportasyon, IRP, insurance at iba pa.

Sa kasalukuyan, lampas sa 70% na kalakalan sa buong mundo ay isinasagawa, sa pamamagitan ng US dollar settlement. Gamit ang hegemonistikong katayuan ng dolyares, walang humpay na nagtatamasa ang Amerika ng bunga ng paglago ng kabuhayan ng ibang bansa. Kahit 4.4% ang proporsyon ng populasyon ng Amerika sa buong mundo, 22% ang proporsyon ng konsumo nito ng mga paninda sa daigdig.

Tinukoy ni Stephen S. Roach, kilalang ekonomistang Amerikano, na ang pagbatikos ng Amerika sa Tsina ay paglilinlang lamang sa sarili at ibang tao. Katwiran lamang ito para sa mga nangingibabaw na problema na gaya ng kakulangan ng impok at pagbaba ng produktibidad, dagdag niya.

Ang dakilang tagumpay ng Tsina nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ng reporma at pagbubukas ay bunga ng diwa ng inobasyon, pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga mamamayang Tsino. Ang umano'y pananalita ng pagnanakaw ng Amerika ay hindi hahadlang sa hakbang ng Tsina sa pag-unlad. Tiyak na lilikhain ng isang mas bukas na Tsina ang mas maraming himalang pangkaunlaran.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>