Ipinahayag Mayo 15, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging matatag ang paglaki ng kabuhayan ng bansa, at nagkakaroon ito ng positibong tunguhin. May ilang epekto aniya ang mga hakbangin sa proteksyonismong pangkalakalan ng Amerika sa kabuhayan ng Tsina, pero maaaring malabanan ang mga ito. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina na kaharapin ang anumang panganib sa labas, aniya.
Ani Geng, noong unang kuwarter ng taong ito lumaki nang 6.4% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina, at ang paglaki ay lumampas sa inaasahang target. Aniya pa, ang pangangailangang panloob ay nagiging pangunahing tagapagpasulong na puwersa ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng Tsina. Ang ambag aniya ng konsumong panloob ng Tsina sa kabuhayan ng bansa ay umabot sa 76.2%.
Salin:Lele