Ipinahayag Mayo 16, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kung may tunay na katapatan ang talastasan ng Tsina at Amerika saka lamang ito magkakaroon ng katuturan.
Sinabi niya ito bilang tugon sa mga pahayag i ni Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Ipinahayag ni Mnuchin noong Mayo 15, 2019, na magkakaroon ng konstruktibong pag-uusap sa ika-11 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan, inaasahan nilang ipagpapatuloy ang pagsasanggunian sa Beijing sa malapit na hinaharap.
Ipinahayag ni Lu na laging naninindigan ng Tsina na lutasin ang mga pagkakaiba ng mga suliraning pandaigdig sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Aniya, laging pinalalagay ng Tsina na ang paglutas ng mga isyu sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng diyalogo ay tumpak na landas.
Salin: lele