Inilabas kamakailan ni Steve Bannon, dating White House Chief Strategist ng Amerika ang artikulo na nagsasabing ang Tsina ay nagiging pinakamalaking kalaban sa Amerika. Hinimok din niya ang Amerika na huwag magkompromiso sa Tsina sa "digmaan ng kabuhayan" at isagawa ang pagpapataw ng karagdagang taripa hanggang sa katapusan.
Sinusuportahan ang naturang pahayag ng 6 na ebidensiyang inilahad ni Bannon. Halimbawa, pinuna ni Bannon na laging nagkakaroon ng "digmaan ng kabuhayan" sa pagitan ng Tsina at mga industriyal at demokratikong bansa, pero, sa katotohanan, ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay nagkakaloob ng pinakamalaking plataporma ng malawakang konsultasyon, magkakasamang pagsisikap at pagbabahaginan, at sinusuportahan ito ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Salin:Lele