Ipinalabas nitong Lunes, Mayo 20, 2019 ng mahigit 170 bahay-kalakal ng sapatos ng Amerika ang magkakasanib na liham kung saan hinihiling nila sa pamahalaang Amerikano na alisin ang mga footware mula listahan ng daragdagan ng taripa. Anila, ang aksyong ito ay makakapinsala sa mga mamimili at kabuhayang Amerikano. Kabilang dito'y mga wage-earners na pinakamalubhang maaapektuhan dito.
Isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang listahan ng mga produktong inaangkat sa Tsina na pinaplanong daragdagan ng taripa ng Amerika na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong dolyares. Kabilang sa listahang ito ay ang uri ng sapatos.
Salin: Li Feng