|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Stephen Roach, ekonomistang Amerikano at propesor ng Yale University, na ang pagpapataw ng karagdagang taripa ng pamahalaan ni Donald Trump sa mga ina-aangkat na produktong Tsino ay magkapareho sa patakaran ng proteksyonismong pangkalakalan na isinagawa ng Amerika noong dekada 30. Nanawagan siya sa pamahalaan ni Trump na itigil ang kasalukuyang kilos ng proteksyonismong pangkalakalan, at pag-aralan ang liksyong historikal para maiwasan ang muling pagkakamali.
Noong Mayo, 1930, sa isang magkakasanib at bukas na liham na ipinadala ng mahigit isang libong ekonomista kay Herbert Clark Hoover, Pangulong Amerikano sa panahong iyon, mahigpit nilang pinanawagan sa pangulo na ibeto ang "Smoot-Hawley Tariff Act." Ngunit binalewala ni Hoover ang mungkahi ng mga ekonomista at nilagdaan ang nasabing panukalang batas.
Ang nasabing panukalang batas ay isang trade protectionism bill. Matapos niya itong lagdaan, nagsimulang kolektahin ng Amerika ang mataas na taripa mula mahigit 20 libong uri ng ina-aangkat na paninda. Nagbunsod ito ng mahigpit na ganting-salakay mula sa mga pangunahing trade partner ng Amerika at simula ng global trade war. Resulta nito'y bumaba ng halos 60% ang pagluluwas ng Amerika at nabawasan ng halos 2/3 ang saklaw ng kalakalang pandaigdig. Ipinalalagay ng mga ekonomista na ang pagsasagawa ng nasabing panukalang batas ay naging pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Great Depression noong dekada 30.
Ngunit, sa ngayon, muling lumilitaw ang parehong kalagayan. Noong unang dako ng Mayo, 2018, ipinadala ng mahigit 1,100 ekonomista ang magkakasanib na liham kay US President Donald Trump at Kongreso ng Amerika, na huwag isagawa ang patakaran ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino upang maiwasan ang muling pagkakamali.
Ipinalalagay ni Roach na ipinapahayag nila ang historikal na karanasan at dapat magsilbing aral na di-kailangang gayahin ng Amerika. Ang kamaliang ito ay nagdulot ng pagbalewala ng pangulo sa mga mungkahi ng mga dalubhasa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |