Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Epekto ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa kabuhayang Tsino, limitado

(GMT+08:00) 2019-05-21 15:59:08       CRI

Nitong ilang araw na nakalipas, mas pinaigting ng Amerika ang presyur ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino para mapilitan ang panig Tsino sa pagtanggap ng mga di-makatuwirang kahilingan ng panig Amerikano sa trade talks. Kaugnay nito, ipinahayag ng mga dalubhasang Tsino na sa katotohanan, limitado ang epekto ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa kabuhayang Tsino, at may kompiyansa at kakayahan ang Tsina para harapin ito.

Sapul noong isang taon, dinagdagan ng Amerika ng taripa ang ilang ina-aangkat na produktong Tsino, bagay na nagdulot ng epekto sa negosyo ng ilang bagay-kalakal ng Tsina na kinabibilagan ng isang kompanyang nagpoprodyus ng lithium battery sa probinsyang Hubei. Isiniwalat ni Liu Qi, pangalawang manager ng kompanyang ito, na noong isang taon, dahil sa pagdaragdag ng pamahalaang Amerikano ng taripa, nawalan ang kanyang kompanya ng malaking bahagi sa pamilihang Amerikano. Bagama't nahaharap ang kompanya sa kahirapan, natuklasan na nito ang katugong kalutasan, dagdag niya.

Sa harap ng masalimuot na kalagayang panlabas, nabatid ng parami nang paraming manufacturing enterprises ng Tsina na kung nais isakatuparan ang pag-unlad, dapat umasa sa sariling pagsisikap. Kung walang humpay na palalakasin ang puwersang pansiyensiya't panteknolohiya, at patataasin ang kakayahang kompetitibo, totohanang mapagtatagumpayan ang mga kahirapan at hadlang at maisasakatuparan ang pag-unlad sa mataas na kalidad.

Sa palagay ni Wang Changlin, Pangalawang Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Makro-ekonomy ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, hindi malaki ang epektong dulot ng trade conflict ng Tsina at Amerika sa kabuhayang Tsino. Aniya, ang pangunahing dahilan ay pagkakaroon ng Tsina ng napakalaking potensyal at kasiglahan sa pag-unlad.

Ipinalalagay naman ni Wang Yuanhong, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Pagtaya sa Kabuhayan ng Pambansang Sentro ng Impormasyon ng Tsina, na sa maikling na panahon, ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa sa mga produktong Tsino ay magdudulot ng mga epekto sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ngunit sa mahabang panahon, ang nasabing panlabas na presyur ay makakapagpasulong sa proseso ng iba't-ibang reporma at pagbubukas ng Tsina, aniya pa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>