|
||||||||
|
||
Sinabi sa Beijing Miyerkules, Mayo 22, 2019 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdaragdag ng taripa ng panig Amerikano sa mga inaangkat na produktong Tsino, ay makakapinsala sa mga mamimili at bahay-kalakal nito sa bandang huli.
Ayon sa ulat, ipinadala kamakailan ng Adidas, Nike, Puma, at mahigit 170 bahay-kalakal ng sapatos ng Amerika ang magkakasanib na liham kay US President Donald Trump na nagbababalang, ang pagdaragdag ng taripa sa mga produkto ng sapatos ng Tsina ay magdudulot ng delikadong resulta sa mga mamimili, bahay-kalakal ng sapatos, at kabuhayang Amerikano. Dahil anang liham ang mga mamimiling Amerikano ang siyang nagbabayad ng mga taripa.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu na maraming beses na nagpahayag ang panig Tsino na walang mananalo sa trade war. Pinapayuhan aniya ng Tsina ang Amerika na mataimtim na pakinggan ang panawagan mula sa loob ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |