|
||||||||
|
||
Ipinalabas nitong Lunes, Mayo 20, 2019 ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang 90 araw na "Temporary General License" na nagpapaliban sa isinasagawang trade ban sa mga produkto at serbisyo ng Huawei Company at mga kaukulang kompanya sa Amerika.
Ayon sa nasabing kagawaran, ang mga Amerikanong bahay-kalakal na may "Temporary General License" ay puwedeng magluwas at maglipat ng mga produkto at teknolohiya sa Huawei at 68 di-Amerikanong bahay-kalakal. Ngunit "espesyal" at "limitado" lamang ang nasabing permisyon na may bisa para sa mga nagagamit na produkto at serbisyo ng Huawei sa Amerika.
Nagkabisa ang "Temporary General License" mula Mayo 20 at tatagal hanggang sa Agosto 19 ng kasalukuyang taon. Tatayain pa ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika kung pahahabain o hindi ang panahong ito.
Dagdag pa ng pahayag, ang "Temporary General License" ay hindi na nangangahulugang pagsusog sa "Entity List."
Kaugnay nito, sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni Ren Zhengfei, tagapagtatag ng Huawei, maliit ang katuturan ng nasabing 90 araw na "Temporary General License" para sa kanyang kompanya. Aniya, ang kasalukuyang pinakamahalagang bagay ay dapat tugunan nang mabuti ang sariling suliranin. "Di namin puwede ikasiya ang mga ginagawa ng pamahalaang Amerikano," dagdag niya.
Sinabi niya na noong isang taon, binigyan na ng limitasyon ng Amerika ang Huawei. Sa kasalukuyan, minamaliit aniya ng mga politikong Amerikano ang abilidad ng Huawei. Aniya, hinding hindi maaapektuhan ng aksyong ito ang 5G wireless technology ng Huawei.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |