Isinagawa kamakailan ng Amerika ang "export control decision" sa mga bahay-kalakal ng Tsina na kinabibilangan ng Huawei, DJ-Innovations, at HIKVISION. Tungkol dito, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na laging tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa ng anumang bansa ng walang pakundangang sangsyon sa bahay-kalakal at sibilyan ng Tsina batay sa panloob na batas.
Hinmok niya ang White House na itigil ang maling aksyon para maiwasan ang ibayo pang paglala ng alitang pangkalakalan. Binigyan-diin niyang mahigpit na magpopokus ang Tsina sa pag-unlad ng kalagayan, at kung kailangan, isasagawa nito ang mga hakbangin para mapangalagaan ang interes ng mga bahay-kalakal.
Salin:Lele