Kaugnay ng ulat na nagsasabing sa panahon ng kanyang biyahe sa Hapon, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na hindi pa handa ang kanyang bansa, na marating kasama ng Tsina ang kasunduan sa kabuhayan at kalakalan, sinabi kahapon, Lunes, ika-27 ng Mayo 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kabila ng pagbabago sa pahayag ng panig Amerikano hinggil sa pagsasangguniang pangkalakalan sa Tsina, hindi nagbabago ang paninindigan ng panig Tsino sa isyung ito.
Inulit ni Lu, na una, ipinalalagay ng panig Tsino, na dapat lutasin ng Tsina at Amerika, sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan, ang kanilang mga pagkakaiba, kabilang ang aspekto ng kabuhayan at kalakalan; at ikalawa, iginigiit ng panig Tsino, na dapat sundin ng Tsina at Amerika ang prinsipyo ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan, sa kanilang pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai