Kaugnay ng isyu ng kung bibigyang-limitasyon o hindi ng Tsina ang pagluluwas ng rare earth metal, ipinahayag sa Beijing Linggo, Hunyo 2, 2019, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na bilang bansang may pinakamayamang rare earth metal sa daigdig, nakahanda ang Tsina na tugunan ang lehitimong pangangailangan ng ibang bansa sa rare earth.
Ani Wang, kung may bansang pipigil sa pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng mga produktong yari sa rare earth mula sa Tsina, hinding hindi ito matatanggap.
Salin: Li Feng