Binuksan kahapon, Lunes, ika-17 ng Hunyo 2019, sa Manila, ang China-Philippines Traditional Chinese Medicine Center. Ang sentrong ito ay pinatatakbo ng Fujian University of Traditional Chinese Medicine na matatagpuan sa timog silangan ng Tsina, at ito ay unang ganitong sentro sa Pilipinas.
Ayon kay Zheng Qiming, Puno ng China-Philippines Traditional Chinese Medicine Center, ipagkakaloob ng sentrong ito sa mga lokal na mamamayang Pilipino ang mga serbisyo ng tradsiyonal na medisinang Tsino, na gaya ng mga gamot na Tsino, acupuncture, scrape therapy, at pagmasahe. Mayroon ding plano ang sentro, na ipagkaloob ang pagsasanay hinggil sa doktor ng medisinang Tsino at paggamit ng mga gamot na Tsino.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi naman ni Tian Shanting, Cultural Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na ang tradsiyonal na medisinang Tsino ay bahagi ng tradisyonal na kultura ng Tsina. Umaasa aniya siyang palalalimin ng mga mamamayang Pilipino ang pagkaunawa rito.
Salin: Liu Kai
Larawan: Sissi Wang