Kinausap kaninang hapon, Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019, sa Pyongyang, Hilagang Korea, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa; ni Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea.
Si Xi ay dumating sa Pyongyang kaninang tanghali, para pasimulan ang dalaw-pang-estado sa Hilagang Korea.
Sa paliparan, inihandog nina Kim at First Lady Ri Sol Ju, ang maringal na seremonya ng panalubong kay Xi.
Pagkaraan nito, isang malaking pagtitipun-tipon ang ginanap sa labas ng Kumsusan Palace of the Sun. Kasama nina Kim at Ri, binigyan sina Xi at First Lady Peng Liyuan ng mainit na pagtanggap ng mga opisyal ng partido at estado ng H.Korea at mga residente ng Pyongyang.
Salin: Liu Kai