Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mga kasapi ng G20 ay mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, at sa masusing panahong ito, may responsibilidad ang mga lider ng mga bansang G20 na igiit ang tamang direksyon ng kabuhayang pandaigdig at global governance, palakasin ang tiwala sa pamilihan, at idulot ang pag-asa sa mga tao.
Binigyang-diin din ni Xi, na batay sa komong interes at pangmatagalang pag-unlad, at sa pamamagitan ng mas malawak na pagbubukas at mas mabuting kooperasyon, dapat pasulungin ng iba't ibang panig ang globalisasyong pangkabuhayan tungo sa tumpak na direksyon.
Salin: Liu Kai