Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kinakailangan ng kabuhayang pandaigdig ang mga bagong lakas-tagapagpasulong. Iminungkahi niyang pasulungin ng iba't ibang panig ang estruktural na reporma, paunlarin ang digital economy, palakasin ang konektibidad, at buuin ang estrukturang industriyal, balangkas ng patakaran, at sistema ng pangangasiwa na angkop sa tunguhin ng pag-unlad sa hinaharap, para pataasin ang episiyensiya at pleksibilidad ng takbo ng kabuhayan, at isakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.
Iniharap din ni Xi ang mungkahi, na palakasin ang pandaigdig na kooperasyon sa inobasyon, para makinabang sa bunga ng inobasyon ang mas maraming bansa at tao.
Salin: Liu Kai